Statement of Sen. Bong Go on plunder case filed by Trillanes on PH Navy frigate issue

Statement of Sen. Bong Go on plunder case filed by Trillanes on PH Navy frigate issue

Wala nang bago, another rehashed accusation na paulit-ulit na lang ibinabato. Halatang nais lang kaming pinturahan ng itim para siya ay pumuti! The Traditional Trillanes — another black propaganda! Palibhasa panahon na naman kasi ng eleksyon kaya kailangan na naman niyang magpasikat at kumita.

Alam mo, Trillanes, sa totoo lang, hindi ka na dapat patulan pa kasi aksaya ka lang sa panahon. Mas nanaisin ko na tutukan ang trabaho ko at magserbisyo sa mga Pilipino.

Pero mabuti na rin ito upang malaman ng lahat ang katotohanan na wala ka naman talagang ibang ginagawa kundi mag-recycle ng isyu na ikaw rin ang nag-imbento upang linlangin ang taumbayan.

Noong nakaraang buwan, nag-file ka ng kaso na mula 2018 ay wala namang napatunayang iregularidad. Ngayon, nag-file ka muli ng kaso ukol sa isyu na naklaro na naman sa harap ng mga kapwa mong mambabatas noong nasa Senado ka pa.

Diba nga, kaya ako napatakbo sa Senado noon at naihalal na Senador noong 2019 ay dahil rin dinamay mo ang mga inosenteng tulad ko sa isyung ito na napatunayang wala naman akong maling ginawa?

Taumbayan na ang humusga noon. Ngayon, binuhay mo na naman ang patay na Philippine Navy frigate issue.

Mismong ang Senado, sa pamamagitan ng Senate Committee on National Defense na pinamumunuan noon ni dating Senator Gregorio Honasan, na ang nag-imbestiga sa nasabing isyu, at wala namang napatunayang anomalya.

Ang noo’y Defense Secretary Delfin Lorenzana na rin ang nagsabi sa Senate hearing na wala akong kinalaman at, kailanman, hindi ako nakialam o nanghimasok sa Frigate Acquisition Project (FAP) ng Philippine Navy.

Ito rin ang sinabi ng dating Navy Flag Officer-in-Command na si Vice Admiral Ronald Joseph Mercado sa kaparehong Senate hearing—na ni minsan ay hindi ko siya nilapitan ukol sa FAP o kinausap para maimpluwensiyahan ang kanyang desisyon bilang end-user.

At panghuli, ang noo’y Rear Admiral Robert Empedrad, ang Chairperson ng Frigate Project Management Team, na mismo ang nagsabi: Walang anomalya, walang problema, no intervention.

This issue has once again been rehashed and recycled for obvious politicking purposes. This is a clear case of destructive politics and sure sign of desperation out to malign me and the former President. Nevertheless, I welcome these moves to finally put an end to these lies.

Alam naman ng taumbayan kung sino ang tunay na nagtatrabaho at kung sino ang attack dog lamang na tamad! Kung may dapat imbestigahan, hindi ba ang magulang mo ang may negosyo sa gobyerno at nagsusupply sa military? Tao na ang humusga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble