NAGBIGAY ng update ang Department of Transportation (DOTr) sa status ng railway projects ng pamahalaan sa ilalim ng Marcos administration.
Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, iginiit ni Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez na patuloy ang paggawa sa mga railway projects ng gobyerno.
Aniya, nasa 68.88% nang tapos ang LRT Line 1 Cavite Extension Project, 99.80% para sa LRT Line 2 East Extension Project, 96.65% para sa MRT Line 3 Rehabilitation Project at 66.07% para sa MRT Line 7.
Habang 37.48% naman para sa Metro Manila Subway Project Phase 1, 79.72% para sa Unified Grand Central Station at 55.70% para sa North-South Commuter Railway (NSCR) System.
Paliwanag naman ni Chavez na ang delay sa railway projects ay dahil sa right of way acquisition issues.
Ang update ng DOTr sa mga proyekto ay batay sa progress report nila nitong Enero.