SA nagpapatuloy na Indian Wells Open sa California, USA, hindi pinagbigyan ng 8th seed na si Stefanos Tsitsipas ng Greece si Thiago Wild ng Brazil.
Sa kanilang laban, nagwagi ang Greek player sa straight sets sa iskor na 6-2, 6-4.
Sa kabila naman ng kanyang pagkapanalo ay nagawa nitong mamintis ang isa sa pinakamadaling tira sa kanyang buong karera.
Aabante ang 2025 Dubai Tennis Championships champ sa round of 32 kung saan makakaharap nito ang 28th seed na si Matteo Berrettini ng Italy.
Magaganap ang kanilang laban sa Lunes, Marso 10.
Follow SMNI News on Rumble