Stray Kids, kasama sa performance line up sa MTV Video Music Awards

Stray Kids, kasama sa performance line up sa MTV Video Music Awards

MAKAKASAMA ang K-pop boy group na Stray Kids sa performance line up sa MTV video Music Awards (VMA) ngayong taon.

Nakuha ng Stray Kids ang pangalawang VMA nomination sa Best K-pop Category.

Matatandaan na nakatanggap sila ng kaparehong nomination noong nakaraang taon para sa kanilang track na “Maniac”.

Pasok din sa Billboard 200 Chart na may pinakamataas na rank noong Hunyo ang album ng Stray Kids na pinamagatang ‘5 Star’.

Samantala, magpe-perform ang Stray Kids sa 2023 MTV VMA sa Setyembre 12.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble