Suhulan para isulong ang Cha-cha, nakababahala

Suhulan para isulong ang Cha-cha, nakababahala

IKINABABAHALA ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go ang impormasyon na may nagaganap na suhulan sa pagkalap ng pirma para isulong ang Charter change (Cha-cha).

Bagama’t hindi kontra sa Cha-cha ay sinabi ni Go na sa pagbabago ng Konstitusyon, dapat manaig ang nais ng taumbayan at hindi ng mga politikong nagsusulong nito.

Nanindigan ang senador na dapat imbestigahan ang sinasabing bayaran kapalit ng lagda sa people’s initiative (PI) at agad na itong matigil.

Hindi aniya naaayon sa Konstitusyon kung sapilitan ang pagsang-ayon ng mamamayan sa pagbabagong isinusulong.

“Pero ang akin naman dito, kung saka-sakali man pong may kapalit ay nakakabahala po ito, nababahala po tayo  sa balitang ito na meron pong kapalit dapat po kusa po ng Pilipino, hindi dapat suhulan. Wala pong dapat kapalit. Kung ano pong gusto ng Pilipino. Kung ayaw po ng Pilipino ‘wag po. Wala pong pilitan dito. At meron nga tayong nababalitaan na panunuhol ay dapat po matigil po ito. Kung ano lang po ang gusto ng Pilipino lalong-lalo na po ang mga kababayan nating mahihirap,” ayon kay Sen. Bong Go.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble