ALAS sais, kuwanreta’y dos ng umaga nitong Linggo nang sumiklab ang sunog sa Valley View Executive Village Phase sa Barangay Mun-tingdilaw, Antipolo City na ikinasawi ng dalawang residente.
Hindi pa tukoy kung ano ang pinagmulan ng insidente ng sunog na umabot sa first alarm at naapula dakong alas syete, trentay singko ng umaga.
Isang 48 anyos na babae ang nasawi rin sa sunog sa Garnet St. sa Greenpark Village, Barangay Isidro sa Cainta sa kaparehong araw, Mayo 4.
Sa imbestigasyon, bumalik sa loob ng bahay ang biktima para kunin ang laptop nito ngunit hindi na muling nakalabas pa sa nasusunog na bahay.
Tatlong residente naman ang nagtamo ng sugat sa nangyaring sunog na nagtamo ng first degree burn habang isang bumbero rin ang nagkaroon ng sugat sa kamay.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng magkahiwalay na sunog na umabot sa tinatayang isang milyon ang halaga ng mga ari-arian.