GABI ng Martes, Abril 29, sumiklab ang isang sunog sa dalawang palapag na bahay sa Sampaguita Street, Barangay San Andres, Cainta, Rizal.
Ayon sa Barangay San Andres Fire and Rescue Brigade, isa ang sugatan at apat na pamilya ang naapektuhan ng sunog, kabilang na ang isang senior citizen at mga bata.
Hinala ng mga residente ng nasunog na bahay, posibleng ang naiwan na kandila ang pinagmulan ng apoy.
Sa lakas ng apoy, walang naisalbang gamit ang mga biktima na ngayon ay pansamantala munang nakituloy sa kanilang mga kamag-anak.