NAKATAKDANG ipalabas sa North America ang 2024 sport/drama film na ‘Sunshine’.
Sa ulat, nakakuha ang Indiecan Entertainment ng karapatan para maipalabas ang naturang pelikula sa North America.
Kasama pa sa naging kasunduan ang karapatang gumawa ng remake kung saan may plano para sa isang English-language adaptation.
Ang kuwento ng ‘Sunshine’ na pinagbidahan ni Maris Racal ay nakasentro sa isang batang gymnast na nabuntis sa mismong linggo ng national team tryouts.
Kung matatandaan, ang ‘Sunshine’ ay nanalo na ng crystal bear for best film sa 75th Berlin International Film Festival.