TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na walang magiging problema sa suplay ng karne ng manok.
Sa kabila ito ng planong magpatupad ng import ban sa mga produktong manok mula sa Brazil.
Gayunpaman, maaaring magkaroon ng kaunting pagtaas sa presyo dahil sa nakaambang ban.
Inaasahan ang pagpapatupad ng country-wide ban matapos iulat ng Brazil ang unang kaso ng highly pathogenic avian influenza o bird flu mula sa isang commercial farm sa Montenegro, Rio Grande do Sul.
Ang Brazil ang pinakamalaking exporter ng manok sa Pilipinas at sa buong mundo.