Suplay ng kuryente sa Abra, halos naibalik na lahat matapos ang lindol –PDRRMO

Suplay ng kuryente sa Abra, halos naibalik na lahat matapos ang lindol –PDRRMO

DALAWANG sitio na lang ng Bangued ang hindi pa naibalik ang suplay ng kuryente.

Ito ay batay sa pinakahuling update ni Arnel Valdez, ang Provincial Development Officer ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO)-Abra.

Ibinahagi rin ni Valdez na mas lalo pang pinalala ang sitwasyon ng mga apektado ng istraktura sa kanilang lugar dahil kung matatandaan ay niyanig na rin ng magnitude 7 na lindol ang Abra noong Hulyo.

Sa ngayon, tubig naman ang pinaka-kinakailangan ng mga apektadong residente sa Abra dahil nasira ang kanilang water system.

Maging ang mga hygiene at medicine kits at mga tent.

 

Follow SMNI News on Twitter