Suplay ng Noche Buena items ngayong holiday season, sapat pa—PAGASA

Suplay ng Noche Buena items ngayong holiday season, sapat pa—PAGASA

INIHAYAG ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. (PAGASA) na hindi kukulangin sa mga Noche Buena item ang mga Pilipino ngayong holiday season.

Sa isang pahayag, ayon kay PAGASA President Steven Cua, bagama’t may kaunting pagtaas sa ilang Noche Buena items, makasisiguro namang sapat ang suplay nito.

Hinihikayat ni Cua ang mga mamimili na habang maaga pa ay makapamili na ang mga ito habang may ilang produkto rin ang hindi pa gumagalaw ang presyo.

Habang ang iilan naman ay may diskuwento.

Ilan sa mga nagtaas-presyo ay ang 18 brands ng hamon dahil sa pagmahal ng raw materials at bayad sa transportasyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter