Suplay ng sibuyas, hindi kukulangin ngayong holiday season

Suplay ng sibuyas, hindi kukulangin ngayong holiday season

HINDI kukulangin ang suplay ng sibuyas ngayong holiday season.

Ito ang siniguro ng Bureau of Plant Industry (BPI) dahil aabot sa 16 metric tons ng puting sibuyas ang pinayagang angkatin hanggang sa Disyembre.

Sa panig ng Department of Agriculture, batay sa kanilang monitoring, nasa P70 hanggang P180 ang kada kilo ng imported na puting sibuyas.

Ang lokal na sibuyas ay nasa P90 hanggang P140 ang presyo ng kada kilo.

Samantala, nasa P75 hanggang P140 ang presyo ng kada kilo ng pulang sibuyas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble