Suporta at pangangalaga ng Marcos admin sa mga OFW, ‘perfect’—Sen. Tulfo

Suporta at pangangalaga ng Marcos admin sa mga OFW, ‘perfect’—Sen. Tulfo

‘PERFECT’ ang Marcos administration sa pangangalaga at pagsuporta sa mga overseas Filipino worker (OFWs).

Ito ang sinabi ni Senator Raffy Tulfo sa panayam ng SMNI News hinggil sa unang taon ng panunungkulan ng Marcos administration.

Ito’y kasunod ng pardon na ibinigay ng United Arab Emirates (UAE) government sa ilang Pilipino na nakakulong, na ngayon ay nakauwi na sa bansa.

Ayon pa kay Tulfo, ginagawa ni Pangulong Marcos ang kaniyang pinaka-best para sa bansa, patunay na dito ang mataas na rating na nakuha nito mula sa taumbayan.

Matatandaan na sa pinakahuling survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. kung saan nakakuha ang Pangulo ng 82% na approval rating.

Giit ni Tulfo, patunay lang ito sa magandang performance ni Pangulong Marcos.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble