NAGTIPON ang mga taga-suporta sa Brgy. Pulang Bato, Cebu City, upang ipakita ang suporta sa PDP-Laban at sa mga adbokasiya ni Pastor Apollo C. Quiboloy, lalo na laban sa krimen, NPA, at ilegal na droga.
Sa kabila ng kanilang mga personal na iskedyul, naglaan pa rin sila ng oras upang pakinggan ang mga adbokasiya ni Pastor Quiboloy, na #53 sa balota.
Ang dedikasyon ng mga taga-suporta ay patunay ng kanilang pagtitiwala sa mga prinsipyo at laban ni Pastor Quiboloy laban sa krimen at iba pang suliranin na humahadlang sa pag-unlad ng bansa.
Para sa kanila, ang Butihing Pastor ay isang inosente at biktima ng kasalukuyang administrasyon, kaya’t patuloy nilang isinusulong ang kaniyang mga layunin at adhikain para sa mas maayos na Pilipinas.
Follow SMNI News on Rumble