BUMUHOS ang suporta mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) kay Vice President Sara Duterte sa The Hague, Netherlands.
Ang pagtitipon ay nagbigay-diin sa malakas na pagkakaisa ng mga Pilipino sa abroad at ang kanilang pagtangkilik sa mga polisiya at hakbangin ni VP Sara.
Nagbigay din ito ng updates tungkol sa kalagayan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong dumalo sa unang pagharap sa International Criminal Court.
Ilan sa mga supporter ni VP Sara ay lumiban pa sa kanilang mga trabaho, at ang iba naman ay galing pa sa mga kalapit-bansa at nagtungo sa Netherlands upang magbigay ng kanilang suporta sa pamilya Duterte.