LALONG lumalakas ang suporta ng mga taga-Bukidnon sa kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy matapos ang matagumpay na “Ayusin Natin ang Pilipinas” rally na ginanap sa Brgy. West Poblacion, Kalilangan, Bukidnon.
Dito, inihayag din ng mga lokal na kandidato ang kanilang mainit na suporta sa butihing Pastor at sa buong PDP Senatorial Slate.
Nakiisa sa nasabing pagtitipon sina 4th District Congressional Candidate Pastor Dan Dangallo, Vice Mayoral Candidate Kaka Lacdo-o, at mga kasama nito na kandidato para sa Sangguniang Bayan.