Suporta para kay VP Sara Duterte laban sa impeachment patuloy na lumalakas

Suporta para kay VP Sara Duterte laban sa impeachment patuloy na lumalakas

HABANG patuloy ang pag-ikot ng mga intriga at isyu laban sa pamilya Duterte—mga akusasyon na pilit pinapalabas upang sirain ang kanilang kredibilidad—ay malinaw ang nagiging resulta nito.

Mas lalo pang humahakot ng suporta ang pamilya Duterte sa kabila ng ingay ng mga alegasyong ibinabato sa kanila.

Ngayon, hindi lamang mga taga-suporta sa Mindanao, kundi pati na rin sa iba’t ibang panig ng bansa ang nagpapahayag ng suporta kay VP Sara Duterte.

Sa Bohol, isang kilalang abogado at kandidato sa pagka-kongresista ang naghayag ng matatag na suporta upang kontrahin ang impeachment laban sa Pangalawang Pangulo.

Susuportahan ko talaga si Vice President Sara at ang ating mga senador na sumusuporta sa kanya dahil kapag naupo sila sa Senado, sila ang boboto upang ibasura ang impeachment laban kay Vice President Sara. Alam ko na ginawa ng administrasyon ang hakbang na ito upang pigilan si Vice President Sara na maging susunod nating presidente,” ayon kay Atty. Jordan Pizarras, Congressional Candidate, 1st District, Bohol.

Mas tumitindi pa ang suporta sa iba’t ibang sektor, hindi lamang sa Bohol kundi maging sa ibang probinsiya kung saan iba’t ibang grupo ang nagpapahayag ng pagtutol sa impeachment complaint.

Kabilang na rito ang ilang lokal na opisyal at organisasyon na naniniwalang ang hakbang na ito ay hindi makatarungan at walang matibay na batayan.

Si Atty. Pizarras, na tumatakbong kongresista sa ilalim ng Aksyon Demokratiko at in-adopt ng PDP Laban ng Bohol, na partido ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay nangakong magsusulong ng resolusyon upang i-recall ang impeachment complaint sa unang araw ng 20th Congress.

Nag-post ako sa aking Facebook page na Jordan M. Pizarras na sa unang araw ng Ika-20 Kongreso, Hunyo 30, 2025, ay maghahain ako ng resolusyon upang i-recall ang impeachment complaint. Iuutos sa panel ng mga taga-usig na i-withdraw ang impeachment complaint dahil hindi ito nararapat at labag sa Konstitusyon,” giit ni Atty. Pizarras.

Bukod kay Pizarras, iba pang mga lider sa iba’t ibang panig ng bansa ang nagbabalak na suportahan ang panukalang ito, tanda ng lumalawak na panawagan laban sa impeachment na itinuturing ng marami bilang politically motivated.

Mas lumalakas ang paniniwala ng mga tagasuporta ni VP Sara na ang impeachment ay hakbang lamang upang pigilan ang kanyang mas malawak na ambisyon para sa bayan.

Naniniwala rin si Pizarras na kung noon ay tila itinatago pa ang mga katiwalian, ngayon ay lantaran na aniya ang pag-abuso sa kaban ng bayan.

Ibinunyag ni Pizarras na sa P6.3 trilyong national budget ng bansa, P4.6 trilyon lamang ang aktwal na napopondohan, habang ang natitirang P1.7 trilyon ay kinakailangan pang utangin ng pamahalaan.

Dagdag pa niya, ginagamit umano ang mga pondo ng gobyerno sa pamamagitan ng iba’t ibang programa tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), ACAP, TUPAD, at iba pang mga proyekto na nagsisilbing kasangkapan upang mapasakamay ang pondo ng bayan.

Magulo man ang mundo ng pulitika, para kay Atty. Pizarras, papasukin niya ito upang tutukan ang pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng bawat Boholano sa unang distrito.

Si Atty. Pizarras, totoong magseserbisyo. Kung totoo kang magseserbisyo, hindi ka dapat namimili ng boto,” aniya.

Ani Pizarras, prayoridad niya ang murang kuryente, murang pagkain, at malinis na tubig-inumin, gayundin ang mas maayos na access sa mahahalagang serbisyo, mas maraming oportunidad para sa kabataan, at mas matibay na suporta para sa kababaihan, matatanda, at PWDs.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble