DINAGSA ng daan-daang taga-suporta ng DuterTEN candidates ang nagpapatuloy na Miting de Avance ng PDP-Laban sa Brgy. Bunawan, Davao City.
Layunin ng pagtitipong ito na iparinig sa publiko ang mga plataporma at programang inihahain ng mga kandidato, na naglalayong magpatuloy ng mga makabuluhang pagbabago para sa bayan.
Habang papalapit ang araw ng halalan, mas lalong umiigting ang suporta ng mga mamamayan sa mga DuterTEN candidates, na kanilang tinitingala bilang mga tagapagpatuloy ng mga adbokasiyang sinimulan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte—lalong-lalo na sa mga usapin ng kapayapaan, kaayusan, at tunay na malasakit sa sambayanan.