AASAHAN na ang landslide victory dito sa Bataraza, Palawan para kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa walo pang kandidato na kasama sa line-up ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Kung pagbabatayan ang dagsa ng mga dumalo sa “Ayusin Natin ang Pilipinas” sa covered court ng Bataraza, Palawan, malinaw ang matibay na suporta ng taumbayan sa Duterte 9.
Unang dumating ang purple supporters ni Pastor Apollo C. Quiboloy, kasunod ang masisigasig na tagasuporta nina Sen. Christopher “Bong” Go, Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Jayvee Hinlo, Atty. Vic Rodriguez, Atty. Raul Lambino, Congressman Rodante Marcoleta, at Philip Salvador.
Iisa lang ang sigaw ng mga dumalo—siguraduhin ang panalo ng buong Duterte Slate sa Senado, lalo na si Pastor Apollo Quiboloy!
“Ako po ay talagang buo ang suporta kay Pastor Quiboloy. Kailangan natin siyan iboto,” ani Lorenzo Montano, Supporter ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Maging ang Muslim community sa Bataraza, Palawan, ay hindi rin nagpaiwan sa pagsuporta sa kandidatura ni Pastor Apollo. Isa sa kaniyang matibay na tagasuporta ay ang mismong mayor ng Bataraza, si Mayor Abraham Ibba, na nagpahayag din ng kaniyang suporta sa iba pang pambato ni PRRD.
Matatandaang inihayag mismo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Pastor Apollo Quiboloy ang magiging konsensiya ng Senado.
Ayon kay PRRD, si Pastor Quiboloy ay isang tao na may mataas na moral values, matalino, at may tunay na malasakit sa bayan.
Kabilang sa mga pangunahing adbokasiya ni Pastor Quiboloy sa Senado ang:
✅ Pagbuwag sa korapsiyon sa gobyerno
✅ Pagsugpo sa ilegal na droga at kriminalidad
✅ Pagtigil sa insurhensiya
✅ Pagpapataas ng kalidad ng pamumuhay ng mamamayan
✅ Pagpapalakas ng turismo
✅ Pangangalaga sa kalikasan para mapanatili ang kaayusan sa bansa
Si Pastor Apollo Quiboloy lamang ang nakapaglunsad ng ganitong kalawak at sabay-sabay na event sa iba’t ibang panig ng bansa at maging sa labas ng Pilipinas.
Dito pa lang sa Visayas, anim na malalaking campaign sorties ang matagumpay na isinagawa—patunay ng mainit na suporta ng taumbayan!
Paalala lamang—lahat ng dumalo ay hindi bayad at lalong hindi pinangakuan ng anumang uri ng ayuda.
Ang tanging maibibigay ng Duterte 9 ay ang tunay na mga plataporma at programang magpapabago sa buhay ng bawat Pilipino.