Suspek na nagbanta sa buhay ni BBM, sasampahan ng grave threat ng QC prosecutor

Suspek na nagbanta sa buhay ni BBM, sasampahan ng grave threat ng QC prosecutor

NAHAHARAP na sa kasong grave threat ang Grab driver na si Michael Go na umano’y nagbanta sa buhay ng presidential aspirant na si dating Senator Bongbong Marcos Jr.

Inirekomenda na ni Quezon City Prosecutor Vimar Barcellano ang kasong grave threats sa ilalim ng Article 282 na may kaugnayan sa Republic Act 10175 o Cybercrime Act of 2012 na may kasamang piyansa na P72,000 laban sa Grab driver na si Michael Go.

Nagbanta si Go na babarilin BBM.

Isinagawa ang umano’y pagbabanta sa Twitter account mismo ni Go-Lising na pinatunayan naman ng korte matapos na mahanap ang orihinal na IP address nito na nagpapatunay na siya nga ang may-ari ng naturang account na ginamit para pagbantaan ang buhay ni Bongbong Marcos.

Noong Biyernes, Abril 2 nang arestuhin si Go matapos nitong i-tweet ang banta laban kay Marcos. Makaraan umanong harangan ng convoy ng kandidatong si Marcos ang kanyang sasakyan.

Sa kabilang banda, kinuwestiyon ng ilang kaanak ni Michael Go ang agarang pag-aresto ng mga pulis dito sa paniniwalang nagkamali ang PNP sa pagdampot kay Go mula sa nasabing akusasyon.

Sa isang social media post ni Elaine Go, na nagpakilalang kapatid ng akusadong si Michael, sinabi nito na iba ang mukha na nasa Twitter kung hindi aniya ito ang kanyang kapatid na sinasabing nagbanta sa buhay ni Marcos Jr.

Kinuwesityon rin nito ang proseso at sistema ng hustisya sa bansa dahil sa pangyayari.

Pero sa pakikipag-ugnayan ng SMNI News sa QCPD Public Information Office, sinabi nitong ipinauubaya na lang nila ang desisyon ng korte matapos nitong tanggapin ang akusasyon sa ilalim ng criminal procedure habang ang ebidensiya anila ay sapat laban kay Go.

Follow SMNI News on Twitter