Suspek sa carnapping, natimbog ng QCPD; 2 motorsiklo, nabawi

Suspek sa carnapping, natimbog ng QCPD; 2 motorsiklo, nabawi

SINAMPAHAN na ng kasong paglabag sa RA 10883 (Anti-Carnapping Act of 2016) sa tanggapan ng Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) matapos maaresto ang isang suspek na sangkot sa carnapping incident sa Quezon City.

Sa isinagawang follow-up operation ng QCPD District Anti-Carnapping Unit (DACU), naaresto ang suspek nitong taong kasalukuyan sa Dasmariñas, Cavite at kinilala ang suspek na si Mark Anthony Tan, 40, ng Imus, Cavite.

Sa ulat, 3:00 pm noong Pebrero 27, 2024, sumulpot sa tanggapan ng DACU ang biktimang si Argie Abit at iniulat na ninakaw ang kaniyang Suzuki Raider 150 na motorsiklo habang nakaparada sa harap ng No. 157 Boni Serrano, 10th Ave. Socorro, Quezon City, ang mga operatiba ay magsagawa ng follow-up operation.

Sa kabutihang palad, noong Pebrero 28, 2024, 6:00 am nakatanggap sila ng impormasyon na nakita ang nasabing carnapped na motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. Salitran III, Dasmariñas, Cavite.

Batay sa ulat, agad na tinungo ng mga operatiba ang lugar at pagdating doon ay namataan nila ang suspek na nakasakay sa nakaw na motorsiklo habang nakikipag-usap sa dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay rin ng isa pang motorsiklo.

Nang maramdaman ang presensiya ng mga pulis, mabilis silang bumaba sa kanilang mga motorsiklo at kaniya-kaniyang kumaripas ng takbo patungo sa hindi malamang lugar, ngunit nakorner ang suspek na si Tan, na naging dahilan ng pagkakaaresto nito.

Kasama sa mga nakuhang ebidensiya ang isang unit ng Suzuki Raider 150 at isang unit ng Honda ADV motorcycles.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble