TUKOY na ng Philippine National Police (PNP) ang suspek sa pagsaksak-patay sa 24-anyos na De La Salle University student na si Queen Leanne Daguinsin.
Ayon kay Chief PNP Rodolfo Azurin, Jr. na ang suspek ay kinilalang si Angelito Erlano na may kahalintulad na rin na kasong pagpatay.
Ani Azurin, April 7, 2022 nang maaresto ang suspek sa kaparehas na krimen kaya nakapaskil na ang mukha nito sa lahat ng istasyon ng pulis sa Cavite.
Nanawagan naman si Azurin sa lahat na i-report agad sa pinakamalapit na police station kapag makita ang suspek.
Hangad naman ng PNP na maigawad ang hustisya sa pagkamatay ng biktima.
“Kung makita sana ay ituro na lang po because yung kawawang estudyante po, yung magulang ng estudyante ay they deserve all the justice,” saad ng PNP chief.
Sa ngayon, nasa P1.1 million na ang bounty para sa ikadarakip ng suspek matapos mag-ambagan ang pulitiko sa Cavite para dito.