KINUMPIRMA ni Justice Secretary Crispin Remulla na nasa Timor Leste na si suspended Congressman Arnolfo Teves Jr. mula sa pinakahuling destinasyon nito sa Cambodia.
Kaugnay nito ay humiling umano si Teves na mabigyan siya ng political asylum na pinag-aaralan na ng Department of Justice (DOJ).
Kaugnay nito’y sinabi ni Remulla sa ambush interview na posibleng maihain ang multiple murder case sa Lunes, pero sinabihan aniya nito ang panel of prosecutors na sikapin itong maihain sa Biyernes dahil 2 buwan na ang krimen.
Samantala, ipinaliwanag naman ni DOJ spokesman Atty. Mico Clavano na ang political asylum ay hinihingi kung inaakala ng politiko na siya ay nakararanas ng harrasment sa kaniyang bansa.