Suspended DA Asec. Evangelista, tiwala na lalabas din ang katotohanan

Suspended DA Asec. Evangelista, tiwala na lalabas din ang katotohanan

NAGLABAS na ng pahayag si suspended Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Kristine Evangelista ukol sa naging desisyon ng Office of the Ombudsman na nag-uutos sa kaniyang preventive suspension sa isyu ng onion probe.

Ang pagsisiyasat ay nasasangkot ng mga umano’y iregularidad sa pagbili ng mga sibuyas na ibinebenta sa mga tindahan ng Kadiwa.

Sa ipinadalang mensahe sa media, aminado itong nagulat siya sa mga reklamong isinampa laban sa kaniya sa Ombudsman.

Ngunit tiwala aniya siyang lalabas din ang katotohanan ukol dito.

Handa aniya siyang tumalima sa kautusan at makikipag tulungan sa Ombudsman para sa kanilang gagawing imbestigasyon.

Naniniwala si Evangelista na ang kaniyang ginawang hakbang ay para protektahan at tulungan ang mga magsasaka.

Nagpasalamat din ito sa mga kasamahang kawani sa loob ng Department of Agriculture dahil sa ipinapakitang suporta.

Aniya, bagamat siya ay suspendido bilang kawani ng gobyerno, patuloy aniya itong  tutulong upang isulong ang interes at ikabubuti ng bawat magsasaka.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble