ISUSUSPINDE na ang pangongolekta ng amusement tax sa local films sa National Capital Region (NCR).
Ito’y matapos naipasa ng Metro Manila Council (MMC) ang isang resolusyon hinggil dito.
Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes na siyang chairman rin ng Metro Manila Film Festival (MMFF), epektibo ang suspensiyon ng tatlong taon.
Ang hakbang na ito ay para matulungan ang Filipino Film Industry na lubos na apektado at bumabangon pa lang mula sa epekto ng COVID-19 pandemic, content piracy, at heavy taxation.
Hindi lang saklaw sa suspensiyon ang MMFF na ginagawa tuwing Disyembre 25-Enero 7 sa susunod na taon.