SWAT Team ng Pilipinas, umangat sa global ranking

SWAT Team ng Pilipinas, umangat sa global ranking

UMANGAT sa global ranking ang Special Weapons and Tactics (SWAT) Team ng Pilipinas sa ginanap na Awarding Ceremony para sa UAE SWAT Challenge 2025 contingent noong Pebrero 26, 2025 sa PNP Star Lounge, Camp Crame.

Mula sa nasabing kompetisyon, nakuha ng PNP SWAT Team ang ika-25 puwesto mula sa 103 elite tactical teams mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon sa PNP, isang malaking pag-angat ito mula sa ika-45 puwesto noong 2023 at ika-34 noong 2024.

Bukod pa rito, ang parehong koponan ay nagkampeon din sa PNP SWAT Challenge 2025 na isinagawa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Enero.

Ang UAE SWAT Challenge ay isang kompetisyong sumusukat sa kakayahan ng mga top tactical units sa buong mundo sa ilalim ng matinding pressure, kung saan sinusuri ang kanilang pagiging eksakto, pagkakaisa, kakayahang umangkop, at husay sa operasyon.

Sa kabilang banda, una nang nabahiran ng masamang imahe ang PNP SWAT Team nang ilegal nitong kinubkob ang ilang compounds ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City noong nakaraang taon.

Ilang beses nitong tinangkang pasukin ang mga compound ng KOJC nang walang kaukulang dokumento at maayos na koordinasyon kasunod ng paghahanap noon kay Pastor Apollo C. Quiboloy na biktima ng maling akusasyon.

Nagamit din sa pananakot at pang-aabuso ang grupo na nagdulot ng malaking trauma sa maraming miyembro ng KOJC dahil sa pagdadala nito ng malalaki at matataas na kalibre ng armas laban sa mga inosente at walang kalaban-laban na mga misyonaryo ng KOJC.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter