PINONDOHAN ng Sweden ang EDSA Bus Rapid Transit (BRT) project feasibility study ng Department Of Transportation (DOTR) sa halagang 3 million Swedish krona equals o 16.35 million pesos.
Nitong February 25, 2025 nang nilagdaan ng DOTR ang kasunduan kasama ang Swedish State Secretary for International Development Cooperation and Foreign Trade at ng Swedfund Project Accelerator Acting Director.
Ayon kay DOTR Usec. Jesus Ortega, nakatutulong ang pondo upang mapapalawig ang pag-aaral ng isa pang taon.
Maliban sa pondo ay tutulong din ang Sweden sa pagbibigay ng technical assistance gaya ng detalyadong engineering designs at pagbibigay payo hinggil sa pinaplanong public-private partnership para sa EDSA Busway at iba pa.