Tacloban City, makararanas pa rin ng power interruptions hanggang 2025

Tacloban City, makararanas pa rin ng power interruptions hanggang 2025

MAGPAPATULOY na makararanas ng scheduled power interruptions ang Tacloban City, Eastern Visayas hanggang sa susunod na taon.

Ito’y dahil papalitan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng bakal ang electric posts na gawa sa kahoy.

Sa pahayag ng NGCP-Visayas, target nilang matapos sa pagpapalit ng mga poste bago ang 2025 midterm elections at sa muling pagtaas ng power demand tuwing tag-init.

Mula sa 202 na mga posteng gawa sa kahoy, nasa 147 na ang napalitan ng bakal ayon sa NGCP.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble