SA idinaos na “Ayusin Natin Ang Pilipinas” Nationwide Campaign Rally, nagbigay-inspirasyon si Pastor Apollo C. Quiboloy at ang buong PDP-Laban slate sa pamamagitan ng kanilang mensahe ng pagkakaisa at pag-unlad.
Kapansin-pansin ang damdamin ng pagkakaisa at optimismo sa buong pagtitipon, habang maraming residente ang dumalo upang makiisa at makinig sa mga plataporma ng mga kandidatong kanilang sinusuportahan para sa nalalapit na halalan.