KILALA ang Nueva Ecija bilang ang “Rice Granary of the Philippines,” na may malaking kontribusyon sa produksiyon ng palay sa bansa.
Bukod sa palay, sagana rin ito sa mais, gulay, at iba’t ibang prutas. Ngunit, ang mga magsasaka ay patuloy na nahaharap sa mga hamon:
Sinabi ni Ka BenjaJack Arenas, lider ng magsasaka, isa sa mga pangunahing problema ang mababang presyo ng palay.
Kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan gaya ng mga programa at serbisyo na makatutulong sa pagsasaka.
Kakulangan ng puhunan: Isa rin itong malaking hadlang sa pag-unlad ng mga magsasaka.
Para kay Lilia Valle, ang kakulangan sa imbakan ay nagpapalala sa problema, lalo na sa panahon ng mga kalamidad. Gayundin aniya ang pagbabago ng klima, gaya ng tagtuyot at baha, na labis na nakakaapekto sa ani.
“Gusto namin si Pastor…” ayon kay Lilia Valle, tagasuporta ni Pastor Quiboloy/PDP-Laban.
Para naman kay Eufrecina Omabao, isang malaking hamon para sa mga magsasaka ang kakulangan ng libreng pataba at ang kawalan ng sapat na proteksyon laban sa mga peste, na nagdudulot ng malawakang pinsala sa kanilang mga pananim. Aniya, ang mga ito ang pangunahing hadlang sa pagpapabuti ng ani at kabuhayan ng mga magsasaka, kaya’t kailangan ng agarang solusyon upang maprotektahan ang kanilang mga sakahan.
Bukod sa mga nabanggit, ang kakulangan ng makabagong teknolohiya para sa mga magsasaka ay nakakaapekto sa ani at kita ng mga magsasaka.
Ang mga nabanggit na hamon ay nakakaapekto sa kabuhayan ng mga magsasaka at sa seguridad sa pagkain ng bansa. Kailangan ng mas malakas na suporta mula sa pamahalaan, pribadong sektor, at mga samahan ng magsasaka upang matugunan ang mga suliraning ito at mapabuti ang kalagayan ng mga magsasaka sa Nueva Ecija.