Taga-Sto. Tomas sa Davao del Norte patuloy ang suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Taga-Sto. Tomas sa Davao del Norte patuloy ang suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy

PAPALAPIT na  nang papalapit ang mid-term election kaya mas pinaigting pa ang “Ayusin Natin ang Pilipinas” Campaign Rally ng KOJC founder at senatorial aspirant na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Sa Sto. Tomas, Davao del Norte, isinagawa ang naturang aktibidad upang higit pang makilala si Pastor Quiboloy at maipakita ang mga mabubuti niyang nagawa.

Kahit walang ayuda, hindi natinag ang mga taga-Sto. Tomas sa kanilang mainit na suporta sa Butihing Pastor.

Sapat na para sa mga daan-daang taga-suporta ang makarating ang campaign rally ni Pastor Quiboloy sa kanilang lugar.

Naglaan talaga ng oras ang mga taga-suporta ni Pastor Apollo dahil naniniwala sila na kung papalaring manalo, hindi lang ayuda ang maibibigay niya sa sambayanang Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble