Tagasuporta ni Pastor Quiboloy at Duterte Senate Candidates, nagkaisa sa Senatorial Townhall sa Laguna

Tagasuporta ni Pastor Quiboloy at Duterte Senate Candidates, nagkaisa sa Senatorial Townhall sa Laguna

MATAGUMPAY na isinagawa ang Senatorial Townhall Meeting kahapon sa Brgy. Palau, Canlubang, Calamba, Laguna.

Ipinakita ng mga tagasuporta ang kanilang matibay na paninindigan para kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa mga kandidato sa Senado na kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pagtitipon, nagkaisa ang lahat sa panawagan ng katarungan, katotohanan, at pagpapatuloy ng mga adhikain para sa bayan! Pinatunayan ng mga dumalo na buo ang suporta kay Pastor Quiboloy sa kabila ng anumang pagsubok, at patuloy nilang ipaglalaban ang mga lider na may malasakit sa bayan.

“Kami ay naninindigan para sa katotohanan at katarungan! Buo ang aming suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa mga Duterte senatorial candidates!” pahayag ng isang tagasuporta.

Sa patuloy na pagkakaisa, sama-sama nating ipaglalaban ang tamang landas para sa ating bansa! Tuloy ang laban!

 

Follow SMNI NEWS on Twitter