Tagasuporta ni Sen. Bong Go, nagtipun-tipon sa labas ng tanggapan ng COMELEC

NAGTIPUN-TIPON ang mga tagasuporta ni Senador Christopher Bong Go sa labas ng tanggapan COMELEC sa lungsod ng Maynila.

Nananawagan at umaasa pa rin ang mga tagasuporta ni Go na itutuloy nito ang pagsabak sa pagka-Pangulo sa 2022 elections.

Matatandaang inanunsyo ni Go ang pag-atras nito sa Presidential race. Pero hanggang ngayon, hindi pa siya pormal na nag-wi-withdraw.

Kabilang sa dumalo sa naturang kaganapan ang dating Presidential Anti-Corruption Committee (PACC) chairman at Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) founder na si Greco Belgica at ilan pang personalidad.

SMNI NEWS