OPISYAL nang inilunsad ang Tagaytay City Justice Zone sa Taal Vista Hotel, Tagaytay City, Cavite ngayong araw, Hunyo 28.
Ang paglulunsad ay dinaluhan ng mga opisyal mula sa Department of Justice, Supreme Court, Department of Interior and Local Government na mga miyembro ng Justice Sector Coordinating Council.
Sa ilalim ng Justice Zone ay palalakasin ang mga programa ng Justice Sector Coordinating Council.
Partikular na tututukan nito ang maayos na koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para matugunan ang isyu sa pagkaantala ng hustisya at problema sa accountability.
Ang Tagaytay City ang pang 11 Justice Zone, at pangalawang “Specialty” Justice Zone na nakatutok sa economic tourism.