Taguig Love Caravan, nagbigay serbisyo sa Brgy. New Lower Bicutan

Taguig Love Caravan, nagbigay serbisyo sa Brgy. New Lower Bicutan

NAGBIGAY serbisyo ang Taguig Love Caravan (TLC) sa mga residente ng Brgy. New Lower Bicutan sa Taguig City ngayong araw.

Nakatanggap ng libreng check-up, gamot, at serbisyong bunot ng ngipin ang mga dumalong residente ng nasabing barangay.

Nabigyan din ng libreng gupit at livelihood training ang mga dumalo na maaari nilang magamit sa kanilang kabuhayan.

Ang TLC ay programa ng Taguig LGU na layong maghatid ng libreng medikal at pangkabuhayan sa pamamagitan ng Medical Assistance Office.

Susunod na bibisita ang TLC sa Barangay Ususan sa October 5 at Western Bicutan sa October 6.

 

Follow SMNI News on Twitter