Tahanan ng viral na buwaya sa Zamboanga Sibugay ipinasara ng DENR IX

Tahanan ng viral na buwaya sa Zamboanga Sibugay ipinasara ng DENR IX

HINDI na masisilayan ng publiko o sinuman na mamamasyal sa Wharf Wetlands Mangrove Park sa Brgy. Laih, Siay, Zamboanga Sibugay Province ang viral na buwaya na si Alai o mas kilalang Lai, matapos na ipasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 9 ang kulungan nito bilang aksiyon sa nangyaring insidente kung saan isang lalaki ang basta na lamang pumasok sa kulungan ng buwaya sa pag-aakalang laruan lang ito.

Nakagat ang nasabing lalaki na umano’y nakararanas ng depresyon.

Inilabas ng DENR 9 ang abiso para sa temporary closure ng pasilidad, tinabunan ng malaking trapal ang buong kulungan ni Lai at nilagyan ng ‘No Entry’ sign ang lugar.

Bukod rito ay magkakaroon din ng inspeksiyon sa kulungan ng buwaya at pagsusuri sa ugali nito.

Inatasan din ng ahensiya ang mga opisyal ng Siay lower government unit na magtayo ng second perimeter fence, maglagay ng mas maraming warning signages, magtalaga ng mga tauhan na magbabantay kada oras at maghigpit sa mga taong lalapit sa kulungan ng buwaya para sa kaligtasan ng mga bibisita rito sakaling buksan na itong muli sa publiko.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble