DADALO ang Taliban ngayong Lunes, Nobyembre 11, 2024 sa isang United Nation Climate Change Conference.
Ito ang kauna-unahang pagdalo ng Taliban mula nang mag-takeover ito sa bansang Afghanistan noong taong 2021.
Para sa UN, maganda itong hakbang para sa Afghanistan lalo na’t isa ang bansa sa nahaharap sa mga malaking hamon na dala ng climate change.
Noong taong 2023 pa ay ilang mga Afghan lalong-lalo na mga kabataan ang nawalan ng tahanan dahil sa mga kalamidad.