AS of 6:00 pm mahaba pa rin ang pila sa Cluster pricinct number 1121, 1122 sa Polling Place ng Tamayong Elementary School Purok 3, Tamayong, Calinan, Davao City.
Masigasig pa rin ang mga tao na nakalinya kahit gabi na ay hindi alintana nito makapagboto lamang sa kanilang napiling mga kandidato.
Samantala, puspusan din sa pagbabantay ang mga awtoridad para sa mas maayos at matiwasay na Halalan 2025.