NAPIGILAN ng mga awtoridad ang tangkang pagpapasabog ng 4 na improvised explosive device (IED) sa Husky Terminal, Rosary Heights 10, Cotabato City.
Ayon kay 6th Infantry Division (6ID) at Joint Task Force Central Commander Major General Alex Rillera, narekober ang 4 na pampasabog na nakasilid sa kahon at 2 cellphone.
Napansin aniya ito ng mga staff at security guard, matapos madinig ang isang putok ng pinaghihinalaang baril.
Agad na humihingi ng tulong ang mga ito sa Esteros Detachment ng 1404th Regional Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion 14.
Kinordonan ng mga awtoridad ang lugar bilang pre-emptive security measure at matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Wala namang nasaktan sa tangkang pagpapasabog habang inaalam pa ang motibo sa insidente.