Tantiya ng NIA sa pagiging rice sufficient ng bansa sa 2028, hindi kapani-paniwala—SINAG

Tantiya ng NIA sa pagiging rice sufficient ng bansa sa 2028, hindi kapani-paniwala—SINAG

HINDI kapani-paniwala ang tantiya ng National Irrigation Administration (NIA)  na magiging “rice sufficient” na ang Pilipinas sa 2028.

Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) dapat kasabay ng pahayag ay aktuwal na gagawin ang sinasabi lalo na’t ilang administrators na ng NIA aniya ang nangakong ayusin ang irrigation system ng bansa.

Isa sa sinabi ng SINAG ang pagkakaroon sana ng water impounding systems upang aapaw man o hindi, ang dams ay maayos na mai-manage ang mga tubig.

Mapapansin anila na tuwing tag-ulan, naglalabas ng tubig ang dams subalit tuwing tagtuyot naman ay kinukulang ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble