‘Tara, Basa!’ Tutoring Program ngayong taon, sisimulan na sa Lunes

‘Tara, Basa!’ Tutoring Program ngayong taon, sisimulan na sa Lunes

SISIMULAN na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Lunes, Mayo 19, 2025 ang ikatlong taon ng kanilang ‘Tara, basa!’ tutoring program.

Inaasahang makikinabang dito ang nasa 138K (138,407) participants kabilang na ang college student tutors, incoming grade 2 learners, maging ang kanilang mga magulang o guardians.

Ipatutupad ang programa sa 13 rehiyon kabilang na ang Ilocos Region, Central Luzon, Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Kasama rin ang Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, CALABARZON, MIMAROPA, Caraga, National Capital Region, At Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Samantala, mula nang simulan ang programa noong taong 2023, nakapaglingkod na ang ‘tara, basa!’ tutoring program sa higit 197K college students, mag-aaral sa elementarya, at kanilang mga magulang at guardians.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble