UMAASA si Miss Supranational Philippines 2024 Tarah Valencia na makukuha niya ang korona para sa 2025 edition ng pageant ngayong Hunyo.
Ito ang naging pahayag ng beauty queen sa naging press conference kamakailan para sa Miss Universe Philippines 2025 na dinaluhan niya.
Ang official activities para sa Miss Supranational ngayong taon, kung saan representative ng Pilipinas si Tarah, ay mag-uumpisa sa Hunyo 9.
Ang coronation night naman ay sa Hunyo 27 sa Poland.
Sakaling magtatagumpay si Tarah dito, siya na ang ikalawang Pinay na nakakuha ng korona kasunod ni Mutya Johanna Datul noong taong 2013.
Follow SMNI News on Rumble