Tatlong sama ng panahon, posibleng mabuo sa mga susunod na araw

Tatlong sama ng panahon, posibleng mabuo sa mga susunod na araw

POSIBLENG mabuo sa mga susunod na araw ang tatlong sama ng panahon, batay sa tropical cyclone-threat potential forecast na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules, Pebrero 5, 2025.

Maaari anilang mabuo ang mga ito sa West Philippine Sea (WPS) o sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa kabila nito, nilinaw pa rin ng PAGASA na mababa ang tsansa na maging ganap itong bagyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble