Tatlong tauhan ng Philippine Navy, sugatan sa panibagong water cannon attack ng China Coast Guard sa Ayungin Shoal

Tatlong tauhan ng Philippine Navy, sugatan sa panibagong water cannon attack ng China Coast Guard sa Ayungin Shoal

KINUMPIRMA ni National Security Adviser Eduardo Año na tatlong tauhan ng Philippine Navy ang sugatan sa pinakahuling water cannon attack ng China Coast Guard.

Ayon kay Año, nangyari ang insidente noong Sabado, Marso 23 nang patungong Ayungin Shoal ang Philippine Navy para maghatid ng ilang tauhan at supplies sa sumadsad na BRP Sierra Madre.

Hindi naman inilabas ang detalye kung hanggang saan ang injury ng tatlong Navy pero nagdulot ang pag-atake ng malaking pagkasira sa sinakyang barkong Unaizah May 4.

Matatandaan na patuloy ang pag-angkin ng China sa Ayungin Shoal bilang bahagi umano ng kanilang teritoryo sa South China Sea habang patuloy naman ang paninindigan ng Pilipinas sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter