Team Lakay, pressured pero inspired para sa “One Championship” ngayong November at December

Team Lakay, pressured pero inspired para sa “One Championship” ngayong November at December

INAMIN ni Team Lakay Head Coach Mark Sangiao na napi-pressure din siya at ang kanyang mga martial artist sa nalalapit na ONE Championship ngayong November at December.

Subalit aniya, nagiging inspirasyon nila ang nararanasang pressure upang mas ayusin at mas mag-focus sa training.

Dagdag pa nito, ang martial artists ng Team Lakay ay nagmimistulang warrior at ang bawat laban ay kinokonsidera nila bilang hunting game.

Sa November sa Singapore, sasabak sa isang laban si Stephen Loman at Kevin Belingon.

Habang sina Joshua Pacio, Gege Eustaquio, Danny Kingad, Jeremy Pacatiw at Jenelyn Olsim sa December sa Mall of Asia Arena.

 

Follow SMNI News on Twitter