Team ng Michelin Guide nasa Pilipinas para inspeksyunin ang ilang restaurant sa bansa

Team ng Michelin Guide nasa Pilipinas para inspeksyunin ang ilang restaurant sa bansa

DUMATING na sa Pilipinas ang team ng France-based Michelin Guide para simulan ang inspeksiyon sa mga restaurant sa bansa.

Pupuntahan ng mga ito ang ilang piling dining spots sa Metro Manila, Cebu, Pampanga, Tagaytay at Cavite.

Ang magiging resulta sa kanilang inspeksiyon ay makikita sa 2026 edition ng kanilang book series.

Nasa limang pamantayan ang pagbabatayan ng Michelin Guide upang mapili nila ang isang restaurant.

Ang mga ito ay kalidad ng mga sangkap, husay sa paggamit ng mga technique sa pagluluto, pagkakatugma ng mga lasa, pagkakakilanlan ng pagkain, at consistency nito over time.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter