ISINASAPINAL na ng Team USA ang kanilang men’s basketball team para sa 2024 Paris Olympics.
Sa inisyal na ulat ay makakasama sina LeBron James, Stephen Curry, Kevin Durant, at Joel Embiid.
Maging sina Anthony Davis, Devin Booker, Anthony Edwards, Jayson Tatum, Jrue Holiday, Bam Adebayo, at Tyrese Haliburton ay kasama rin sa line up.
Samantala, ang 2024 Paris Games ang magiging ika-apat na Olympics ni LeBron sa kaniyang career.