INILABAS na ang Teaser ng Harry Potter reunion film sa HBO ang pinakaaantay na reunion ng mga bumida sa sikat na Harry Potter franchise.
Parte ang reunion nina Daniel Radcliffe, Emma Watson at Rupert Grint sa pagdiriwang ng 20th anniversary ng naturang blockbuster film.
Sa 50-second na teaser clip naman, makikita sina Robbie Coltrane bilang Hagrid at Matthew Lewis bilang Neville Longbottom na tumanggap ng kanilang mga imbitasyon.
“Ang Harry Potter 20th anniversary: Return to Hogwarts” ay ginawa sa London kung saan una ring ginawa ang film noon.
January 01, 2022 makikita ang Teaser ng Harry Potter reunion film sa HBO max.
Sa HBO Go naman makikita ito ng sambayanang Pilipino.