MATAPOS ang success ng Seasons 1 at 2 ng hit South Korean series na Squid Game, mas pina-excite pa ng Netflix ang fans nang ilabas kaninang umaga ang teaser para sa Season 3 nito. At oo, markahan niyo na ang kalendaryo—Hunyo 27 ang grand comeback!
Sa social media post ng Netflix, simple pero matindi ang caption: “It’s time to play the final games.”
Naku, mukhang mas deadly at mas madugo ang games!
Game-changer alert!
Magsisimula ang bagong season mula sa cliffhanger ng Season 2—kung saan ang karakter ni Seong Gi-hun, na ginagampanan ni Lee Jung-jae, ay mapipilitang gumawa ng mahihirap at madugong desisyon, hindi lang para sa kanyang buhay, kundi pati na rin sa mga natitirang kalahok.
At ang mas exciting pa ay ipinakita sa teaser ang isang gumball machine na may mahalagang bahagi sa magiging kapalaran ng players. Ano kaya ang twist nito?
At hindi lang si Gi-hun ang babalik! Spotted din sa teaser sina Kim Jun-hee, Kang Dae-ho, The Frontman, Hwang Jun-ho, at marami pang iba!
Si Hwang Dong-hyuk pa rin ang magdidirek ng Season 3—siya rin ang unang Asian na nanalo ng Outstanding Directing for a Drama Series sa 74th Primetime Emmys.