Temporary Operator’s Permit, dadaan sa matinding pagsusuri—LTO

Temporary Operator’s Permit, dadaan sa matinding pagsusuri—LTO

TINIYAK ni Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Vigor Mendoza II na susuriin ang mga patakaran ng ahensiya pagdating sa pagpapatupad ng Temporary Operator’s Permit (TOP).

Ang hakbang na ito ng ahensiya ay kasunod ng pahayag ni 1-Rider Party-list Representative Bonifacio Bosita sa budget hearing ng Transportation Department sa Kamara.

Sa pahayag ni Rep. Bosita, hindi naipatutupad nang maayos ang Temporary Operator’s Permit ng LTO.

Kung saan ang mga motoristang mahuhuli ay bibigyan ng electronic TOP, na may bisa sa loob ng 72 oras.

Pagkatapos ng panahong ito, pagbabawalan nang magmaneho ng anumang sasakyan ang driver.

Tugon naman ni Mendoza, makikipagpulong sila sa Law Enforcement and Traffic Adjudication System (LETAS) at Law Enforcement Service (LES) upang harapin ang pagkakatugma ng TOP at ng Joint Administrative Order (JAO) No. 2014-01.

Nakasaad sa nasabing kautusan ang binagong iskedyul ng mga multa at parusa para sa mga paglabag sa mga batas, alituntunin, at regulasyon na namamahala sa Land Transportation.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble